Newsies
Matagal ko ng nababasa ito. Sinasabi nila na isang araw mawawala na ang diyaryo dahil sa technology. Ngayon kase makakabasa ka na ng balita sa cellphone or sa computer mo.
Pero sa tingin ko matagal pa mangyayari ito. Kahit na alam ko na bumababa ang readership ng newspapers. Tumatagal, nagiging kaunti ang nagkakaroon ng panahon magbasa ng diyaryo. Pero para sa akin, hindi pa rin mabubuhay ang internet based or cellphone based na news kung wala yung mga news reporters and mga news writers.
Ang nakikita kong nagiging trend is that newspapers are becoming small in sizes. A lot of them sa ibang bansa have succumbed sa printing and paper cost, and syempre ung unti unting pagkaunti ng mga nag su subscribe. So now, they have resorted to adjusting their broadsheet into tabloid sizes. Pabor nga ako dito kase I think it is an advantage. Isa ako sa mga nagbabasa ng diyaryo. Hindi man araw araw pero I make it a point kahit once a week makapagbasa ako kaya lang pag nag co commute ako at sumasakay sa bus mahirap magbasa ng broadsheet sa maliit na space (so Paging Inquirer staff). Handy talaga ang tabloid size.
Loading...
Thanks, always good posts on your blog!
Desktopjunk - Abril 22, 2007 at 6:58 hapon